Magsaya Tayo.

Magsaya Tayo.

Miyerkules, Abril 11, 2012

Sometimes people decide to be just friends even their feeling is mutual. Not because love is hard, but commitment complicates everything.

Friends with Benefits, No strings Attached, Mutual Understanding 


Sa pelikula ko lang napapanood, sa nobela ko lang nababasa, at hindi ako fans sa ganitong mga set-up at lalong hindi ako naniniwala sa ganitong mga ugnayan. Malabo. Magulo. Walang patutunguhan.

Pero nag-iba ang pananaw na yan ng makilala ko si MV...


2011. 
Naghahanap ako ng isang matinong lalaki noon na papatol sa kalokohan ko na magpanggap na boyfriend para pagselosan ang gagong "ex" ko...(Desperada ako sa mga panahong to, ikaw ba ang masaktan)

Sakto namang may kaibigan akong nagsuggest na may ipakilala daw siyang lalaking pwedeng pumayag sa plano ko.. Dito pumasok sa eksena si MV. Pumayag siya. Kapalit eh ililibre ko daw siya ng lunch. Yon lang ang hiningi niyang kapalit...

May kagwapuhan siya. Maputi, registered nurse, at mahilig sa basketball. Siya yong tipong pangbestfriend material. Seryoso at misteryoso(para sa akin). Sa text kami unang nagkakilala. Tapos naging magfriend sa Facebook. Ang plano lang eh sa Facebook lang naman kami mag-on. Ibig sabihin naka "in a relationship status kami sa isa't-isa" for one week lang naman ang hiningi kong favor.(We really didn't act as actual couple) Hindi pa kami nagkikita sa personal. Pero madalas kami mag-usap sa phone, magtext at magchat sa facebook.

Naalala ko sabi ni MV sakin nung first conversation namin sa chat:

"Paano kung mafall ako sayo, ano gagawin mo?"

Sabi ko naman:

"Eh di sasaluhin kita...^_^" Tumawa siya sa sagot ko. We became friends. Close good friends. Walang araw na hindi ko siya kausap sa phone o katext. Sumbungan sa frustrations at mga kalokohan ko sa buhay. At ganun din siya sakin.

Galing din sa isang failed relationship si MV. Sabi nga ng kaibigan ko mas grabe pa daw yong naranasan niya. Kaya siguro siya pumayag sa plano ko.

Luckily, the plan worked. After a week, nakipagbalikan si "ex" ko sakin. Umiyak-iyak pa si gago at ilang beses tumatawag sakin. Pero hindi na umubra sakin ang drama niya. Mahal ko si "ex" wlang duda pero hindi naku nagpadala. 

Nagpasalamat ako kay MV and told him that everything worked as planned. Sabi ko sa kanya magkita kami para ilibre ko siya ng lunch as promised. Pero tinangihan niya ko. Sabi niya masaya na daw siyang malaman na nakabawi na ako sa "ex" ko, sapat na daw sa kanya yon. But he caught me off guard..siya naman ang humiling sakin sabi niya tutal daw eh hindi naman ako nakipagbalikan sa ex ko at hindi niya rin naman gustong magmukha lang kaming naglalaro sa relationship status namin sa FB, bakit daw hindi na lang namin paabutin kahit hanggang one month man lang ang status namin. 

Hindi ko na matandaan ang nangyari pero and dating one week na usapan na naging one month eh umabot pa ng three months. Hindi pa rin kami nagkikita ng personal. Busy kasi ako sa pag-aaral ng abogasya siya naman sa duty sa hospital. Walang tigil ang komunikasyon namin. Naging BF at GF ang tawagan namin sa isa't isa. Naga-i miss you at nagmamwuahhugs sa call at text. Parang totoong bf/gf. 

Matagal din bago ko nalaman galing kay BF ang nangyari sa past relationship niya. Ipinagpalit pala siya ng girlfriend niya sa ibang lalaki. Sa sobrang love daw niya sa girl nagmakaawa pa daw siya dito para balikan siya to the point na kahit daw dalawa silang guy sa buhay ng babae kaya niyang tanggapin. Pero talagang pinili daw ng girl yung isang guy. Wagas pala siya magmahal.

Simula nun unti-unting nahulog ang loob ko kay BF. Unti lang po. :( Kasi after ng three months biglang nawalan kami ng communication. Siguro that time sobrang busy naming dalawa. Then came December he asked me kung pwede ba daw i-stop na namin yong status namin sa FB. Sabi ko agad sa kanya sure bakit hindi, salamat sa time ha. Hindi ko alam kung bakit pero na sad ako. Siguro dahil natakot akong mawalan ng good reliable friend. 

2012.
Nagulat ako nung February may natanggap akong call galing kay BF. Nangungumusta. Sabi ko okay lang ako. Busy, kasi sumali ako sa isang sorority sa school ko. Andami kong sermon na natanggap sa kanya pero ayon naintindihan din naman niya ako. 

Bumalik ulit iyong usual communication namin.

Sinabi ko sa kanya na may crush ako sa classmate ko at medyo nakakamove-on naku sa ex ko. Sabi niya good. Siya naman may nakilala daw'ng 'new girl na nakakainteresan niya'. Sabi ko din sa kanya mabuti naman at masaya ako sa kanya. Nung valentines day siya pinaka-unang bumati sakin. Nalaman ko din from him na "malabo" daw pala iyong pinagkakaintersan niyang girl. Hindi ko alam kong ano ibig niyang sabihin. 

March 16. MV suddenly wanted to meet. Yan ang nakasulat sa diary ko. Hindi ko makalimutan ang araw na yon. Bigla siyang nagtext sakin na makikipagkita siya sakin sa school ko. Pupuntahan daw niya ako. He was wearing a gray polo shirt and black maong pants. Kung ano itsura niya sa facebook at kung ano pagkakilala ko sa kanya, ganun siya nung nakita ko siya. Polite and good looking. (:

Dahil wala nakung pasok at wala naman kaming gagawin sa school ko. Dinala ko siya sa bahay (siya pinakaunang lalaking pinapasok ko sa unit ko). Kumaen kami ng madaming pansit canton at nanood ng movie sa PC ko. Ang bilis naming nagkapalagayan ng loob na parang hindi iyon ang una naming pagkikita.

Hindi namin napansin ang oras. Hinayaan ko siyang maglaro sa PC ko while ako naman nag-aaral(magpafinals na kc nun). 12 o'clock na ng madaling araw ng sabihin niyang uuwi na siya(North Caloocan pa uwi niya while nasa Manila ang unit ko, 2 hours drive iyon). Kaya sabi ko bukas ka na lang ng maaga umuwi, delikado ng bumiyahe. Sigurado kang okay lang dito ako matulog?tanong niya. Ningitian ko lang siya. Get's na niyang hindi okay, pero mas iniisip ko pa din safety niya.


We shared a passionate kiss that night. Alam ko mabilis ang pangyayari. Kahit ako nagulat.


Nasundan pa ulit pagkikita namin. Bumisita ulit siya sa bahay. At doon ulit natulog. This time magkatabi na kami. And worst may nangyari samin..walang usapan, walang commitment. No string attached. 


Katangahan. Iyon unang sinabi ng kaibigan ko na nagpakilala saming dalawa. Bakit daw ako pumayag sa ganung set-up. Hindi ko alam ang isasagot dahil kahit ako naguguluhan at nabobohan sa sarili ko. Sabi ko wala naman akong inaasahan from him pareho lang kami ayaw muna ng commitment. 


"Kakainin mo din yang sinasabi mo dahil alam ko may masasaktan at masasaktan jan sa ginagawa niyong dalawa..." sabi ng kaibigan ko.


Binalewala ko ang warning ng kaibigan ko. Masaya kasi ako kapag kasama siya at hindi ako nagsasawang kasama niya. Ilang beses pang naulit ang nangyayari samin. Everytime na wala siyang duty nasa bahay ko siya. He was my sweetest distraction.


We never talked about feelings. Takot kami parehong pag-usapan ang bagay na yon. 


Ewan. Babae lang siguro talaga ako. Nagsimula akong maguluhan sa emotions ko nung nagbirthday siya. First time kung mag-effort na isurprise ang isang tao. Kahit sa family ko hindi ako ganun. Pero ginawa ko kay BF. Boung araw akong naghanap ng panregalo sa kanya at naghanda sa birthday para isurprise siya. Pumunta siya sa unit ko ulit. Doon niya sinelebrate ang birthday niya. Alam ko nasurprise ko siya at napasaya. From that day alam ko something changed sa emotion ko. Hindi ko lang alam sa kanya.


Ginawa na namin lahat ng ginagawa ng magboyfriend at magirlfriend. Manuod ng sine, kumain together, magsimba together, magbiruan, maglaro ng baraha, magkantahan, magkiss at yong alam niyo na..except lang talaga sa pagsasabihan ng i love you, mag-away at pagkakaroon ng commitment sa isa't-isa. 


One time, may natanggap akong message sa facebook galing kay "ex" sabi uuwi na daw siya ng Pilipinas at gusto daw niyang magkausap kami. Sinabi ko yon kay BF. Nakita kong biglang dumilim anyo niya, pero ewan ko, baka guni-guni ko lang din yon, kasi sabi niya agad sakin "mas mabuti yan para magkaliwanagan kayo"


Hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya sa totoo lang. Gusto kong sabihin niyang huwag na lang para saan pa...o pigilan man lang niya ako. Pero hindi. 


Sa mga sumunod na bisita niya sakin pinaparamdam niya na hindi lang sex ang habol niya sakin. Halos wala ng nangyayari samin. Andun na lang siya sa bahay para maglaro kami ng baraha, manood ng movie at magkuwentuhan. Masaya talaga siya kasama. Minsan na siyang tinanong ng friend namin kung ano real "score" namin. Ang sagot daw niya, "We enjoy each others company..:)". Yon lang daw ang sagot niya. Hindi ko alam kung positive ba yong sagot na yon o negative. May iba na talaga akong nararamdaman kasi kung hindi, bakit disappointed ako sa naging sagot niya.


Before ako umuwi ng probinsiya para magbakasyon tinext ko siya ng quote:
"Isn't it sad when you're starting to like someone right now and yet you can't freely let it out?
And you're so damn scared to show it because of one reason? IT'S COMPLICATED!"
Kinabukasan nagreply siya.


"Gf, are you liking me?"


Di ko siya agad nasagot. Di ko alam ang isasagot.


"Bakit mo tinatanong bf?" My Stupidest answer and question to him. 


Nagreply siya. This time para akong binuhusan ng malamig na tubig.


"Gf hindi po kasi ako ready sa relationship, sorry ayokong makasakit."


Realization hit me. Umiiyak ako habang nireply sa kanya to..:


"It's alright, ayoko din muna ng relationship..we are just friends. Plain and Simple, mabuti ng klaro."


Lumabo communication namin pero nagtetext pa din kami. Ewan ko lang pagbalik ko sa Manila kung ano mangyayari...


(This was written the night after I realized I should not cling(to have a strong emotional attachment) unto something na umpisa pa lang eh malabo na...)