Magsaya Tayo.

Magsaya Tayo.

Miyerkules, Abril 11, 2012

Sometimes people decide to be just friends even their feeling is mutual. Not because love is hard, but commitment complicates everything.

Friends with Benefits, No strings Attached, Mutual Understanding 


Sa pelikula ko lang napapanood, sa nobela ko lang nababasa, at hindi ako fans sa ganitong mga set-up at lalong hindi ako naniniwala sa ganitong mga ugnayan. Malabo. Magulo. Walang patutunguhan.

Pero nag-iba ang pananaw na yan ng makilala ko si MV...


2011. 
Naghahanap ako ng isang matinong lalaki noon na papatol sa kalokohan ko na magpanggap na boyfriend para pagselosan ang gagong "ex" ko...(Desperada ako sa mga panahong to, ikaw ba ang masaktan)

Sakto namang may kaibigan akong nagsuggest na may ipakilala daw siyang lalaking pwedeng pumayag sa plano ko.. Dito pumasok sa eksena si MV. Pumayag siya. Kapalit eh ililibre ko daw siya ng lunch. Yon lang ang hiningi niyang kapalit...

May kagwapuhan siya. Maputi, registered nurse, at mahilig sa basketball. Siya yong tipong pangbestfriend material. Seryoso at misteryoso(para sa akin). Sa text kami unang nagkakilala. Tapos naging magfriend sa Facebook. Ang plano lang eh sa Facebook lang naman kami mag-on. Ibig sabihin naka "in a relationship status kami sa isa't-isa" for one week lang naman ang hiningi kong favor.(We really didn't act as actual couple) Hindi pa kami nagkikita sa personal. Pero madalas kami mag-usap sa phone, magtext at magchat sa facebook.

Naalala ko sabi ni MV sakin nung first conversation namin sa chat:

"Paano kung mafall ako sayo, ano gagawin mo?"

Sabi ko naman:

"Eh di sasaluhin kita...^_^" Tumawa siya sa sagot ko. We became friends. Close good friends. Walang araw na hindi ko siya kausap sa phone o katext. Sumbungan sa frustrations at mga kalokohan ko sa buhay. At ganun din siya sakin.

Galing din sa isang failed relationship si MV. Sabi nga ng kaibigan ko mas grabe pa daw yong naranasan niya. Kaya siguro siya pumayag sa plano ko.

Luckily, the plan worked. After a week, nakipagbalikan si "ex" ko sakin. Umiyak-iyak pa si gago at ilang beses tumatawag sakin. Pero hindi na umubra sakin ang drama niya. Mahal ko si "ex" wlang duda pero hindi naku nagpadala. 

Nagpasalamat ako kay MV and told him that everything worked as planned. Sabi ko sa kanya magkita kami para ilibre ko siya ng lunch as promised. Pero tinangihan niya ko. Sabi niya masaya na daw siyang malaman na nakabawi na ako sa "ex" ko, sapat na daw sa kanya yon. But he caught me off guard..siya naman ang humiling sakin sabi niya tutal daw eh hindi naman ako nakipagbalikan sa ex ko at hindi niya rin naman gustong magmukha lang kaming naglalaro sa relationship status namin sa FB, bakit daw hindi na lang namin paabutin kahit hanggang one month man lang ang status namin. 

Hindi ko na matandaan ang nangyari pero and dating one week na usapan na naging one month eh umabot pa ng three months. Hindi pa rin kami nagkikita ng personal. Busy kasi ako sa pag-aaral ng abogasya siya naman sa duty sa hospital. Walang tigil ang komunikasyon namin. Naging BF at GF ang tawagan namin sa isa't isa. Naga-i miss you at nagmamwuahhugs sa call at text. Parang totoong bf/gf. 

Matagal din bago ko nalaman galing kay BF ang nangyari sa past relationship niya. Ipinagpalit pala siya ng girlfriend niya sa ibang lalaki. Sa sobrang love daw niya sa girl nagmakaawa pa daw siya dito para balikan siya to the point na kahit daw dalawa silang guy sa buhay ng babae kaya niyang tanggapin. Pero talagang pinili daw ng girl yung isang guy. Wagas pala siya magmahal.

Simula nun unti-unting nahulog ang loob ko kay BF. Unti lang po. :( Kasi after ng three months biglang nawalan kami ng communication. Siguro that time sobrang busy naming dalawa. Then came December he asked me kung pwede ba daw i-stop na namin yong status namin sa FB. Sabi ko agad sa kanya sure bakit hindi, salamat sa time ha. Hindi ko alam kung bakit pero na sad ako. Siguro dahil natakot akong mawalan ng good reliable friend. 

2012.
Nagulat ako nung February may natanggap akong call galing kay BF. Nangungumusta. Sabi ko okay lang ako. Busy, kasi sumali ako sa isang sorority sa school ko. Andami kong sermon na natanggap sa kanya pero ayon naintindihan din naman niya ako. 

Bumalik ulit iyong usual communication namin.

Sinabi ko sa kanya na may crush ako sa classmate ko at medyo nakakamove-on naku sa ex ko. Sabi niya good. Siya naman may nakilala daw'ng 'new girl na nakakainteresan niya'. Sabi ko din sa kanya mabuti naman at masaya ako sa kanya. Nung valentines day siya pinaka-unang bumati sakin. Nalaman ko din from him na "malabo" daw pala iyong pinagkakaintersan niyang girl. Hindi ko alam kong ano ibig niyang sabihin. 

March 16. MV suddenly wanted to meet. Yan ang nakasulat sa diary ko. Hindi ko makalimutan ang araw na yon. Bigla siyang nagtext sakin na makikipagkita siya sakin sa school ko. Pupuntahan daw niya ako. He was wearing a gray polo shirt and black maong pants. Kung ano itsura niya sa facebook at kung ano pagkakilala ko sa kanya, ganun siya nung nakita ko siya. Polite and good looking. (:

Dahil wala nakung pasok at wala naman kaming gagawin sa school ko. Dinala ko siya sa bahay (siya pinakaunang lalaking pinapasok ko sa unit ko). Kumaen kami ng madaming pansit canton at nanood ng movie sa PC ko. Ang bilis naming nagkapalagayan ng loob na parang hindi iyon ang una naming pagkikita.

Hindi namin napansin ang oras. Hinayaan ko siyang maglaro sa PC ko while ako naman nag-aaral(magpafinals na kc nun). 12 o'clock na ng madaling araw ng sabihin niyang uuwi na siya(North Caloocan pa uwi niya while nasa Manila ang unit ko, 2 hours drive iyon). Kaya sabi ko bukas ka na lang ng maaga umuwi, delikado ng bumiyahe. Sigurado kang okay lang dito ako matulog?tanong niya. Ningitian ko lang siya. Get's na niyang hindi okay, pero mas iniisip ko pa din safety niya.


We shared a passionate kiss that night. Alam ko mabilis ang pangyayari. Kahit ako nagulat.


Nasundan pa ulit pagkikita namin. Bumisita ulit siya sa bahay. At doon ulit natulog. This time magkatabi na kami. And worst may nangyari samin..walang usapan, walang commitment. No string attached. 


Katangahan. Iyon unang sinabi ng kaibigan ko na nagpakilala saming dalawa. Bakit daw ako pumayag sa ganung set-up. Hindi ko alam ang isasagot dahil kahit ako naguguluhan at nabobohan sa sarili ko. Sabi ko wala naman akong inaasahan from him pareho lang kami ayaw muna ng commitment. 


"Kakainin mo din yang sinasabi mo dahil alam ko may masasaktan at masasaktan jan sa ginagawa niyong dalawa..." sabi ng kaibigan ko.


Binalewala ko ang warning ng kaibigan ko. Masaya kasi ako kapag kasama siya at hindi ako nagsasawang kasama niya. Ilang beses pang naulit ang nangyayari samin. Everytime na wala siyang duty nasa bahay ko siya. He was my sweetest distraction.


We never talked about feelings. Takot kami parehong pag-usapan ang bagay na yon. 


Ewan. Babae lang siguro talaga ako. Nagsimula akong maguluhan sa emotions ko nung nagbirthday siya. First time kung mag-effort na isurprise ang isang tao. Kahit sa family ko hindi ako ganun. Pero ginawa ko kay BF. Boung araw akong naghanap ng panregalo sa kanya at naghanda sa birthday para isurprise siya. Pumunta siya sa unit ko ulit. Doon niya sinelebrate ang birthday niya. Alam ko nasurprise ko siya at napasaya. From that day alam ko something changed sa emotion ko. Hindi ko lang alam sa kanya.


Ginawa na namin lahat ng ginagawa ng magboyfriend at magirlfriend. Manuod ng sine, kumain together, magsimba together, magbiruan, maglaro ng baraha, magkantahan, magkiss at yong alam niyo na..except lang talaga sa pagsasabihan ng i love you, mag-away at pagkakaroon ng commitment sa isa't-isa. 


One time, may natanggap akong message sa facebook galing kay "ex" sabi uuwi na daw siya ng Pilipinas at gusto daw niyang magkausap kami. Sinabi ko yon kay BF. Nakita kong biglang dumilim anyo niya, pero ewan ko, baka guni-guni ko lang din yon, kasi sabi niya agad sakin "mas mabuti yan para magkaliwanagan kayo"


Hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya sa totoo lang. Gusto kong sabihin niyang huwag na lang para saan pa...o pigilan man lang niya ako. Pero hindi. 


Sa mga sumunod na bisita niya sakin pinaparamdam niya na hindi lang sex ang habol niya sakin. Halos wala ng nangyayari samin. Andun na lang siya sa bahay para maglaro kami ng baraha, manood ng movie at magkuwentuhan. Masaya talaga siya kasama. Minsan na siyang tinanong ng friend namin kung ano real "score" namin. Ang sagot daw niya, "We enjoy each others company..:)". Yon lang daw ang sagot niya. Hindi ko alam kung positive ba yong sagot na yon o negative. May iba na talaga akong nararamdaman kasi kung hindi, bakit disappointed ako sa naging sagot niya.


Before ako umuwi ng probinsiya para magbakasyon tinext ko siya ng quote:
"Isn't it sad when you're starting to like someone right now and yet you can't freely let it out?
And you're so damn scared to show it because of one reason? IT'S COMPLICATED!"
Kinabukasan nagreply siya.


"Gf, are you liking me?"


Di ko siya agad nasagot. Di ko alam ang isasagot.


"Bakit mo tinatanong bf?" My Stupidest answer and question to him. 


Nagreply siya. This time para akong binuhusan ng malamig na tubig.


"Gf hindi po kasi ako ready sa relationship, sorry ayokong makasakit."


Realization hit me. Umiiyak ako habang nireply sa kanya to..:


"It's alright, ayoko din muna ng relationship..we are just friends. Plain and Simple, mabuti ng klaro."


Lumabo communication namin pero nagtetext pa din kami. Ewan ko lang pagbalik ko sa Manila kung ano mangyayari...


(This was written the night after I realized I should not cling(to have a strong emotional attachment) unto something na umpisa pa lang eh malabo na...)

Martes, Setyembre 27, 2011

Kung gusto mo lang naman magtipid!^_^

PART I. Mga tips kung paano magtipid, mga nakalap ko sa apat at kalahating taon kong paninirahan sa Ciudad ...
gusto ko lang pong ipagbigay alam na ako ay nasa unang baitang ng aking pag-aaral ng abogasya, ibig sabihin maglilimang taon na po akong nag-aaral at nag-titiis sa kakarampot na allowance na padala ng mga pobre kong magulang na nasa probinsiya. parehong nagtratrabaho ang mga magulang ko sa gobyerno at parehong maayos ang natatanggap na suweldo, pero dahil mahal ang mga bilihin at ang uri ng pamumuhay sa Maynila, hindi pa rin kasya ang isanglibo na ipinapadala nila sa akin kada isang linngo. Ang isang libo po na iyon ay para na sa mga gastusin ko sa pagkain, proyekto sa paaralan, mga lakad, mga pangangailangan ko sa pangaraw-araw tulad ng sabon, toothpaste, cream sa mukha, sanitary pads at kung ano ano pa.
Tip # 1. Magbadyet ka kasi Kapatid!  Halimbawa may 1,000 kang pera para sa isang linggo na..ganito ang gawin mo
*Halimbawa lang po ang badyet na nasa illustrasyon, maari kang gumawa ng sarili mong badyet na naayon sa iyong sitwasyon.
Sa pagkain tayo magumpisa. Sasang-ayon naman siguro kayo na eto ang pinakaunang pangangailangan ng tao na kailangan ng pera. Kailangan mong kumain para mabuhay di ba?
  • Para makatipid, iwasan ang pagpunta sa mga fastfood restaurant tulad ng Jollibee, Mcdo, KFC at iba pa. Mahal diyan pare ko! eh gusto mo magtipid di ba? wag ka sumimangot. 
  • Kung pwede ka magluto, magluto ka.  Utang na loob huwag kang tamad! Mas malaki matitipid mo kapag magluluto ka. Halimbawa amigo!,

  • Alam mo na siguro kung ano ang susunod na suggestion ko? Mamalengke ka! oo tama ang nabasa mo, kung busy ka ate, pwede naman kahit every sunday ka lang mamalengke. Kung wala kang refrigerator sa bahay bilhin ang mga sumusunod:
Pwede ka lang pumili sa nasa taas kung ano ang mga bibilhin mo, basta tandaan: hindi lang yan ang makikita mong mura pag sa palengke mamimili.
  • Huwag sa mamahaling groceries ka pumunta tulad ng Savemore, Ever o Puregold, mamumulubi ka doon. (Opinyon ko lang to) Kung nagtitipid ka talaga, sa palengke ka pumunta.
  • Iwasan mong mamalengke kung gutom ka, may tendency na mapapadami ang mabibili mo kung gutom kang pupunta ng palengke.
  • Ilista ang mga dapat bibilhin. Maging strikto sa pagsunod sa dala mong listahan, huwag bumili ng kung ano anong wala sa iyong listahan. Puwera na lang kung talagang kelangan. Huwag mo ijustify ang mga wants mo, pigilan ang tempatasyon. ^_^ 
Sana maging guide mo ang food pyramid na ito para sa pamamalengke mo...
  • Nabanggit ko sa unang bahagi na huwag kang pumasok sa mga fast food di ba? well, may mga pagkakataon na gusto natin itreat ang sarili natin. Puwede yan kapatid! may mga "murang" pagkain naman sa fast food na okay sa budget. Tulad ng thirty-niners sa Jollibee, "streetwise" food sa KFC, at Mcdo. Basta tandaan! Dapat isang beses ka lang pumasok sa mga kainan na ganyan sa isang linggo kung gusto mo talagang magtipid...! 
  • Ang Kalusugan ay Yaman ng bayan! maniwala ka kapatid, pag ikaw may sakit, hindi ka talaga makakatipid! gastos yan! GASTOS! ayaw natin yan no?! Kaya bumili ka ng isang bote ng ascorbic acid sa mercury, (di ako nang-iindorse) ang vitamin c o ascorbic acid ay good prevention for sicknesses tulad ng sipon, lagnat, at kung ano ano pa. Pinapalakas ng vitamin C na iyan ang immune system mo., saka 125 pesos lang  isang bote niyan sa mercury, 100 tablets na, ... O kung may pinapatake ma meds sayo ang doktor mo, wag mong kakalimutan! Unahin ang kalusugan ha.
Sa school expenses naman tayo. Aminin na natin na minsan wala naman school expenses sa isang boung linggo, kung meron man konti lang. O kung madami man, hindi naman lalagpas ng 500 yan, maliban na lang kung libro ang kakailanganin mo. O ang course mo eh architecture o engineering, awww! ibang usapan na iyan. Kelangan mong gumawa ng ibang pagbabadyet diyan. Pero kung ang course mo eh nasa arts lang naman, mag photocopy, ballpen, papel, bondpaper, at mga ganyang bagay lang ang school expenses mo per week, ay hindi lalagpas ng 500 pesos yan tsong! malaki ang matitipid mo.
  • Una, maging masinop sa gamit. Huwag bili ng bili. Alagaan ang ballpen, wag iwawala.  5 pesos din yan pag bibili ka ng bago. Arte arte ka pang bibili ng My gel o Pilot? Naku matuto kang gumamit ng mumurahin pero magandang ballpen. May Panda naman, o unipen di ba? mura lang. Tandaan nagtitipid ka.:))
  • BARKADA! meron ka ba niyan? ang barkada ay pwedeng makatulong sa pagtitipid mo, puwede din namang maging sanhi ng gastos mo. Pautakan lang yan kapatid! Kapag nagtitipid ka, dumikit ka sa barkada mo na palaging may dalang papel...as in yellow paper!:0 haha makakatipid ka sa gastos sa papel niyan. pero tandaan huwag umabuso, maniwala ka sa bad karma!
  • Alam kong alam mo naman na kapag kasama mo ang barkada mo madalang na ang hindi ka mapapagastos. Kapag kasama ang barkada, matutong magsabi ng "ayoko", o "hindi ako pwede", o "busy ako pare eh!", o " pasensiya na wala ako ngayon!" be brave enough!wag magpakameron kung wala ka, tandaan! nagtitipid ka.
  • Uulitin ko huwag bili ng bili ng kung ano anong gamit. Matutong magrecycle. Gamitin ang pwede pa magamit.
more more tips, itutuloy...

Nagbabasa ka ba ng libro?

Kung "oo" ang sagot mo, mapalad ka. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagbasa. Maging mapagmatyag ka sa paligid. Wala kang magawa? Nagrereklamo ka dahil boring ang buhay mo? Magbasa basa ka kapatid! May kuwento ako sa inyo, sana maka-inspire.

Sa tatlong magkakapatid na babae sa pamilya ko, ako ang pangalawa. Dahil siguro nasa gitna ako kaya ako ang pinaka-insecure sa aming magkakapatid. Lumaki akong palaging inihahambing sa aking panganay na kapatid dahil isang taon lang ang agwat naming dalawa. Insecure ako sa paraan na hindi ako masaya sa hitsura ko, sa buhay ko, sa pagkatao ko. Ganun kalala ang problema ko sa sarili ko noon. Ni hindi ako halos humaharap sa mga tao, kahit sa mga kakilala ko.

Sa mga pagkakataong nasa ganun akong kalagayan, naging takbuhan ko ang mini library ng mommy ko sa silid nila. Nagkukulong ako palagi sa sulok na iyon. Ang sulok na iyon ang humubog sa bagong ako. Ang pinaka-una kong binuklat na libro ay tungkol sa mga bible stories. Dito ko nakilala si God. Nakilala ko si Moses, si Abraham, at si King David. Naging kaibigan ko sila. Nagsimula din akong magbasa ng Health and Home, isang lifestyle magazine na compiled as book. Madami akong natutunan sa librong ito. Hanggang sa lumawak na ang interes ko sa libro.

Napapansin ko din na unti-unti ng nabago ang pananaw ko sa buhay. Mas naging mature ako, naging masunurin sa magulang at mas natututong tanggapin ang mga pagkukulang ko. Hindi pa rin tuluyan nawala ang insecurity ko. Sa totoo lang kasi kulang ako sa ganda kung ihahambing sa dalawa kung kapatid. Doon ako nagumpisang magbasa ng mga beauty magazines, naging expert ako sa make-up, sa pag-aalaga sa sarili, sa katawan, at sa kalusugan. Naging marunong akong mangupit ng buhok, magtahi ng damit at magluto ng mga simpleng putaheng pang Pilipino. Naging top student ako sa klase dahil sa hilig ko sa pagbabasa. Naging magaling ako sa wikang English dahil sa pagbabasa. Grumadweyt akong may honor sa elementarya, highschool at college. Ngayon nasa law school na ako, buhay ko pa rin ang pagbabasa. Malaki ang natulong ng mini library na iyon sa pagkatao ko. Mas confident na ako sa hitsura ko, sa sarili ko, saka may takot ako sa Diyos at sa mga magulang ko, mas gusto ko na ang sarili ko ngayon, at ang pinaka-importante sa lahat, mas naiintindihan ko ang buhay dahil sa pagbabasa.
Ang pagbabasa ay hindi kailangang araw-araw. Magiging walang kuwenta din ang mga binabasa mo kung hindi mo ito naa-apply sa tunay na buhay. Magsaya ka. Gamitin ang mga natututunan sa pagbabasa sa tunay na buhay. Ibahagi sa iba ang natutunan mo. Huwag maging madamot sa mga kaalamang nakuha mo sa pagbabasa. Naway magbasa basa ka kapatid! Namaste!

Naranasan niyo na ba ang "Parang kayo, pero hindi" stage? Something about MU's!

Guys just want to share with you  this …  makaka relate kayo… binago ko po ang mga pangalan for  privacy reason kung may kahalintulad ibig pong... sabihin nito isa kang miembro ng Parang Kayo, Pero Hindi (Pseudo Relationship Story)

… .. ..Enjoy and Happy Reading…..



Subject: “Parang Kayo, Pero Hindi”......................


She is a 24-year old call center agent in Ortigas. He is an architect. 
They met  and became lovers in few months. They broke up last year but remained to be "friends".
They send sweet text messages and he calls her often to make sure she's okay.

 They still date. They still have sex.

They don't see anyone else. 
It is obvious that they still love each other but when asked about their situation, 
she doesn't know the real score. Even her friends are in the dark.

 "Parang sila, pero hindi."

========================================================================

She works in a telecom industry. He is reviewing for the board. 
They are in the same barkada. They talk on the phone till 4 am. 
He gives her chocolates, flowers and CDs even when there is no occasion. 
Their friends are suspecting something.
Bakit sila nagsosolo kapag may overnight inuman? 
Why does he hold her close on the dance floor? Bakit sila magkaholding hands lagi?

Sila kaya?

"He hasn't admitted anything," she rants. "But I let him hug and kiss me.

Parang kami, pero hindi."

 ======================================================================

They work together in an advertising agency in Makati. 
After office, they would watch movie, have dinner and stroll at Greenbelt.
 She gave him Harry Potter books for his birthday in exchange for posing as her boyfriend to make an ex jealous. 
They made out during the company outing in Subic and never talked about it.
 He said "I love you" once but she wasn't sure if she heard him correctly because they were both drunk then. 
But one thing she is sure of is her feelings for him. She likes him. 
And she's assuming that with what he's doing to her and with her, he likes her, too. 

There's just one hitch: he has a girlfriend!

 ======================================================================

She is a 20-year-old virgin. He's a 35-year-old bachelor. 
Both mountaineers, they became close during their climbs. 
After a few dates in Tagaytay and Contis Restaurants in the Fort, 
he brings her to his condo where they would make out. 
They have been doing this for months. She wants to believe that "sila na" but then she's not really sure about it.

 "We don't talk about it but it doesn't really matter," she'd tell her friends. 

 "What's important is I am enjoying this -- whatever it is."

========================================================================= 

The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual understanding.  

“Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends. Flings.”

 Almost like a relationship, but not quite.
 It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers.

Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. 
One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. 
You just let your gestures do the talking for you. 
Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa.

Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. 
It can happen after a break-up. 

You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. 
And for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna.

Testing lang.

Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo –usually the guy like  “us”--may ka-relasyon na.

 Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl  or dun sa guy 
(sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), 
wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "HINDI NAMAN KAYO."

 This pseudo-relationship stage, for a time, can be FUN.
 Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "KALARO."

 Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. 

So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?
Iba't ibang dahilan.

Puwedeng for fun lang. 

Puwedeng "buti na iyan kesa wala" or puwede na iyang "pantawid-gutom."

Meaning, habang wala pa iyong the REAL THING, doon muna sa kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship,
they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all.

It would be fun, if all you are after for is that "KILIG" feeling.

 Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. Until now hahaha!

No commitments involved. 
For the simplest reason that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit.

 My rationalization, "okay na iyun, kesa wala."

Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. 
Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko.
Iyong merong ka-cuddle sa beach. 
Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. 
Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan.

But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. 
And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi. 
Yap the girls are always lugi.

Una, 
you can't ask him to commit. 
Since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. 

Ano ba kayo? May “K “ ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? 

You will always be uncertain about your role in his life.
You can't expect him to be always there with you. 
And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself.

Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, 
what if you fall deeply in love with him? 
You can't be sure if he feels the same way. 
Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya.
Even if you are dying to tell him you love him, you can't. 
Because you're not sure if he'll like it. 

Baka mapahiya ka lang....

This stage will always make you wonder where you are in the relationship.
Or if there is a relationship at all.

Pangatlo, 
what if you become attached too much? 
What if you have invested all your emotions and this man hasn't?

What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. 
When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, 
then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, 
hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. 
Wala kang pinanghahawakan.

Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang  "you and me," hindi  "us."

Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. 
Kaso, hindi eh. Real pain.  
And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, 
hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. 
And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, 

only to find out eventually that the guy or the gal is in another pseudo-relationship with somebody else.

Ang hirap, ano? 

You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. 
Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, 
without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mong mamili. 
You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. 
Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.

When I was younger way back 10 years ago and am in a pseudo-relationship with an unavailable girl, 

a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka”.

“Magpakasaya ka pare”. “Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."

Ang bottom line lang naman eh, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo.

Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequences. 

Dahil ang "PARANG kayo PERO hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. 

Usually, hanggang doon lang siya ...

almost, but not quite… … .  . 


The reason why MU exists because each party is full of fear and apprehensions. Each one is afraid to deal with the truth. Each one thinks that if one asks the other one about the real score, it might return unfavorable answer. Once and for all you gotta face the truth. It will put one into solid footing. Hindi yung alanganin na parang kayo parang hindi. It will build confidence and maturity too. If one gets rejection it will make him more mature enough not to repeat this kind of game, whereas if he gets a nod then it makes him confident and happier. Therefore I would suggest, take the courage to ask and put things in its proper place. Pero advice lang choose the perfect timing, wag yung mainit ang ulo. Simple lang, tayo ba o hindi? Makes life easier.

lOVE YOUR FAMILY AS MUCH AS OTHERS.

My family is a typical filipino family; consist of my dad, mom, eldest sister, me, youngest sister, and my niece(my eldest sister's daughter)

Nikki has her sudden outburst and an uncontrollable temper, yet i know she cares for us and she thinks of her future. Dad cant leave his vices and shares the same peak of temper as nikki, he is not the super duper caring and loving father but i know he tries ot be one, he seldom smile and show his emotion that is why i treasure every moment when he does. Mom is a greatest worrier, and expect too much from us, while,,, Ate Dor doesnt seem to care of what she does to her life..as in she doesn't care at all! ^_^ while her little angel pia, is a very hyper and talkative kiddo.walang sinasanto at pinapakinggan, even dad. i have all their weak points: the temper, the worrying, and well, hindi pala lahat sorry.

we have faced numerous problems, be it financial, emotional, spiritual, at lahat na ata...
i have the most imperfect family, yet our imperfections made us the most perfect family for me...
we continued to be strong for each other, understanding each other, and accepting all our weaknesses.
we strive to be together as possible, so whatever obstacles may come, i believe we will be able to defy it.
I thank God for giving me the most wonderful family one could ever ask for..
I also ask you dear lord to bless all the people who surrounds us:friends, relatives and close acquaintances.
i love you all^__^